Search This Blog

Thursday 22 March 2018

Filipino Mass (for Passion Sunday readings) at St. Lawrence Parish 24 March 2018

ENTRANCE: Buksan ang Aming Puso
KYRIE: Panginoon Maawa ka
GOSPEL ACC: Wika Mo’y Diringgin ko
OFFERTORY: Unang Alay
SANCTUS: Santo santo (Tinapay ng Buhay)
MEMORIAL ACCLAMATION: Si Kristo ay gunitain
PATER NOSTER: Ama Namin (Bukas Palad)
DOXOLOGY:
 AGNUS DEI: Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
 COMMUNION:
 O Hesus, Hilumin Mo
 Dakilang Pag-ibig
RECESSIONAL-: Pananagutan

ENTRANCE: Buksan ang Aming Puso
https://youtu.be/W5SzmNkfCok
Buksan ang aming puso,
turuan mong mag-alab;
Sa bawat pagkukuro,
lahat ay makayakap.

Buksan ang aming isip,
sikatan ng liwanag.
Nang kusang  matangkilik,
tungkuling mabanaag.

Buksan ang aming puso,
turuan mong mag-alab;
Sa bawat pagkukuro,
lahat ay makayakap.

Buksan ang aming isip,
sikatan ng liwanag.
Nang kusang  matangkilik,
tungkuling mabanaag.

Buksan ang aming palad,
sarili’y maialay;
Tulungan mong ihanap,
kami ng bagong malay.
Buksan ang aming puso,t
uruan mong mag-alab;

Sa bawat pagkukuro,
lahat ay makayakap.
Buksan ang aming isip,
sikatan ng liwanag.
Nang kusang  matangkilik,
tungkuling mabanaag. 


KYRIE: Panginoon Maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka


GOSPEL ACC: Wika Mo’y Diringgin ko
  
Wika Mo'y aming diringgin.
Wika Mo'y aming susundin.
Wika Mo'y tutupdin.  

 
OFFERTORY: Unang Alay


Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.

Verse 1
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay mo.
At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay-lakas.

Verse 2
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko’ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa’yo.

Verse 3
Ang bayang inibig mo ngayo’y umaawit
sa ‘yo ay sumasamba’t
Nananalig umaasang diringgin ang bawat
Dalangin sa alay na ‘toy nakalakip

(final)
Ngayo’y nananalig, magmamahal sa ‘yo.

SANCTUS: Santo santo (Tinapay ng Buhay)

Santo! Santo! Santo!
Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

ACCLAMATION: Si Kristo ay gunitain
https://youtu.be/t2fb-9jaoOY

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa S’ya’y dumating
Hanggang sa S’ya’y dumating


PATER NOSTER: Ama Namin (Bukas Palad) 

Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa
para nang sa langit.

Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin;

At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.

DOXOLOGY:

 AGNUS DEI: Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin! Kordero ng Diyos, maawa Ka. (2X)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

 COMMUNION:


O Hesus, Hilumin Mo


Koro:
O Hesus, hilumin Mo
Aking sugatang puso
Nang aking mahango
Kapwa kong kasimbigo

Hapis at pait Iyong patamisin
At hagkan ang sakit
Nang magningas ang rikit (KORO)

Aking sugatang diwa't katawan
Ay gawing daan
Ng 'Yong kaligtasan (KORO)
 
Dakilang Pag-ibig


Koro:
Dakilang pagibig, saan man manahan
D'yos ay naroon, walang alinlangan

I.
Tinipon tayo sa pagmamahal ng ating poong si Hesus
Tayo'y lumigaya sa pagkakaisa sa haring nakapako sa krus.

II.
Purihi't ibigin ang ating D'yos na S'yang unang nagmamamahal
Kaya't buong pagibig rin nating mahalin, ang bawat kapatid at kapwa

III.
Purihi't ibigin ang ating D'yos na s'yang unang nagmamamahal
Kaya't buong pagibig rin nating mahalin, ang bawat kapatid at kapwa

IV.
Iwasan lahat ang pagkapoot, pag-aalinlanga't yamot
Sundin ang landasin ni Hesuskristo, at ito'y halimbawa ng D'yos

V.
Mapalad ang gumagalang sa D'yos at sumusunod sa kanya
Tatamasahin n'ya ang kanyang biyaya, pagpalain siya't liligaya.


Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang

Chorus:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa
Tayong lahat ay tinpon ng diyos
Na kapiling nya

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod
Kay kanino man
Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan

Chorus

Sabay sabay mag aawitan
Ang mga bansa
Tayo tinuring na panginoon
Bilang mga anak

Chorus (2x)