Search This Blog

Thursday 23 May 2019

Hymns for Filipino Mass 3 PM 25th May 2019 (Marian/May Celebration)

ENTRANCE: MAGSIAWIT SA PANGINOON KYRIE: Panginoon Maawa ka GLORIA: PAPURI SA DIYOS GOSPEL ACCLAMATION: ALELUYA,WIKAIN MO OFFERTORY: Unang Alay SANCTUS: Santo! Santo! Santo! (Tinapay ng Buhay) MEMORIAL ACCLAMATION: Si Kristo ay gunitain PATER NOSTER: Ama Namin (Bukas Palad) COMMUNION SONGS: Tinapay ng Buhay RECESSIONAL: HUMAYO’T IHAYAG


ENTRANCE: MAGSIAWIT SA PANGINOON
https://youtu.be/z1x9IUMV0d8

Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon
Aleluya
Magsiawit sa Panginoon


I.
Purihin, Puirihin ang kanyang pangalan
Ipahayag, Ipahayag ang dulot Nyang kaligtasan ( Koro)


II.
Dakila ang poon dapat na purihin
Siyang nagbigay, ng langit sa ating lahat
(Koro)


KYRIE: Panginoon Maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka


THE GLORIA: Papuri Sa Diyos
https://youtu.be/-pgcI3P-qzs
Chorus: (First time: Choir, then All repeat) Papuri sa Diyos! Papuri sa Diyos! Papuri sa Diyos sa kaitaasan! At sa lupa'y kapayapaan (x2) Sa mga taong kinalulugdan Niya Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin  Pinasasalamatan Ka namin Dahil sa dakila Mong angking kapurihan Panginoong Diyos, Hari ng langit Diyos Amang makapangyarihan sa lahat Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos Anak ng Ama (All: Chorus) (Soloist) Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Maawa Ka, maawa Ka sa amin,  (Choir) Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan Tanggapin Mo ang aming kahilingan (x2) Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama Maawa Ka, Maawa Ka sa amin (Interlude)(All: Chorus) Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon Kasama ng Espiritu Santo Sa kadakilaan Ng Diyos Ama, Amen! (x2) (All: Chorus)

GOSPEL ACCLAMATION: ALELUYA,WIKAIN MO
https://youtu.be/0pPuegaIERY

Aleluya,  Aleluya
Wikain Mo
Poon nakikinig ako
Sa Iyong mga Salita
Aleluya,  Alelu-Aleluya
(Repeat)

OFFERTORY: Unang Alay

Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa ‘yo.
Verse 1
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay mo.
At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay-lakas.

Verse 2
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko’ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa’yo.

Verse 3
Ang bayang inibig mo ngayo’y umaawit
sa ‘yo ay sumasamba’t
Nananalig umaasang diringgin ang bawat
Dalangin sa alay na ito’y nakalakip

(final)
Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa ‘yo.



SANCTUS: Santo, santo, santo (Tinapay ng Buhay)
https://youtu.be/hVP-C4_KfkI


Santo! Santo! Santo!
Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!



MEMORIAL ACCLAMATION: Si Kristo ay gunitain
https://youtu.be/t2fb-9jaoOY

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa S’ya’y dumating
Hanggang sa S’ya’y dumating


PATER NOSTER: Ama Namin (Bukas Palad) 


Ama namin sumasalangit ka,
Sambahin ang ngalan mo.
Mapasaamin ang kaharian mo.
Sundin ang loob mo dito sa lupa
para nang sa langit.

Bigyan mo kami ng aming kakanin sa araw araw;
At patawarin mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin;
At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso,
At iadya mo kami sa lahat ng masama.


AGNUS DEI: Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
https://youtu.be/deCWsiYo9qY


Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka, Kordero ng Diyos Maawa Ka

Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin, Kordero ng Diyos, Maawa Ka

Kordero ng D’yos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan


COMMUNION SONGS: Tinapay ng Buhay
https://youtu.be/lMhXmINeDpY

Koro:
Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati't inialay
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan


Basbasan ang buhay naming handog
Nawa'y matulad sa pag-aalay Mo
Buhay na laan nang lubos
Sa mundong sa pag-ibig ay kapos (KORO)


Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
At kanlungan ng bayan Mong sawi
(Koro)


At pagsasalong walang hanggan


RECESSIONAL: HUMAYO’T IHAYAG
https://youtu.be/4J5H8QzxfG0


Humayo't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S'yang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Halina't sumayaw (buong bayan)
Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

At isigaw sa lahat
Kalinga Niya'y wagas
Kayong dukha't salat
Pag-ibig Niya sa inyo ay tapat

Humayo't ihayag (purihin Siya)
At ating ibunyag (awitan Siya)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S'yang sa mundo'y tumubos

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Halina't sumayaw (buong bayan)
Lukso, sabay, sigaw (sanlibutan)
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bituin
Liwanag ng Diyos sumaatin

Langit at lupa Siya'y papurihan
Araw at tala Siya'y parangalan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
(Aleluya)

Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Dios sa tanan
Sa tanan
Sa tanan
Ating pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan
Aleluya, aleluya, aleluya!