Search This Blog

Friday 26 August 2022

Hymns for Filipino Mass 3 PM at St. Lawrence Feltham 26th August 2022 (22nd Sunday Ordinary Time)

Entrance :Pag-Aalaala
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Gloria: Papuri sa Diyos
Gospel Acclamation : Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory: Sa 'yo Lamang
Santo Santo Santo (Francisco - Tinapay ng Buhay)
Si Kristo ay gunitain (F. Ramirez)
Dakilang Amen: (Tinapay ng Buhay)
Ama namin/Sapagkat (Tinapay ng Buhay)
Kordero Ng Diyos (Francisco - Tinapay ng Buhay)
Communion:
Tinapay ng Buhay (optional)
Recessional hymn: Pananagutan 

Entrance :  PAG - AALAALA

Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Bayan ating alalahanin
Panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin
Paanong di tayo lingapin (KORO)

Bayan, walang sawang purihin
Ang Poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili Niya'y ating awitin (KORO)

Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Kyrie Eleison: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
https://youtu.be/w0_lXMS4ePE

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka


THE GLORIA: Papuri Sa Diyos
https://youtu.be/-pgcI3P-qzs

Chorus: (First time: Choir, then All repeat)
Papuri sa Diyos! Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!
At sa lupa'y kapayapaan (x2)
Sa mga taong kinalulugdan Niya

Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan

Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama (All: Chorus)

(Soloist):
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka, maawa Ka sa amin,
(Choir):
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan (x2)
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka, Maawa Ka sa amin (Interlude)
(All: Chorus)

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan
Ng Diyos Ama, Amen! (x2)

(All: Chorus)

Gospel Acclamation : Aleluya (Nez, Marcelo)
https://www.youtube.com/watch?v=KiPtzsYAeDQ
Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya
Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya

Offertory: Sa 'yo Lamang

https://youtu.be/VudMzIn1nkM

Puso ko’y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako’y iyo habang-buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luha’t karangalan
Kung ika’y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin

KORO:
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa

Tangan kong kalooban
Sa iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa ‘yo


Santo Santo (Tinapay ng Buhay) 
https://www.youtube.com/watch?v=UmdOE-yEExc
Santo, Santo, Santo!
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo.

Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan!

Sa Krus Mo (Tinapay ng Buhay)
http://www.bukaspalad.com/songs/sa_krus_mo

Sa krus Mo at pagkabuhay
Kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Poong Hesus naming mahal
Ngayon at magpakailanman

Dakilang Amen: (Tinapay ng Buhay)
Amen, amen, Amen!

Ama Namin /Sapagkat (tinapay ng buhay) 

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama

---------------------
Sapagkat sa 'Yo ang kaharian, kapangyarihan, at kapurihan
Ngayon at magpakailanman!
Ngayon at magpakailanman!

Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
https://youtu.be/oa_zjE2o_Dw

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin! Kordero ng Diyos, maawa Ka. (2x)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Communion : Tinapay ng Buhay
https://youtu.be/j7C5CR1MjtU

KORO:
Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati't inialay
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan

Basbasan ang buhay naming handog
Nawa'y matulad sa pag-aalay Mo
Buhay na laan nang lubos
Sa mundong sa pag-ibig ay kapos (KORO)

Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
At kanlungan ng bayan Mong sawi (KORO)

At pagsasalong walang hanggan

Recessional Hymn: Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang

Chorus:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa
Tayong lahat ay tinpon ng diyos
Na kapiling nya

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod
Kay kanino man
Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan

Chorus:
Sabay sabay mag aawitan
Ang mga bansa
Tayo tinuring na panginoon
Bilang mga anak

Chorus (2x)