Search This Blog

Saturday 22 October 2022

Hymns for Filipino Mass at St. Lawrence 22 October 2022

Entrance: Magsi-awit sa panginoon
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Gloria: Papuri sa Diyos
Gospel Acclamation : Aleluya, wikain mo
Offertory: Unang Alay
Holy holy: Santo Santo (Hontiveros)
Si Kristo ay gunitain (F. Ramirez)
Amen: Dakilang Amen (Francisco)
Ama namin/Sapagkat (Hontiveros)
Kordero Ng Diyos (Hontiveros)
Communion: Panalanging sa pagiging Bukas-Palad
Recessional hymn: Pananagutan

ENTRANCE:  MAGSIAWIT SA PANGINOON
https://youtu.be/z1x9IUMV0d8

Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon
Aleluya
Magsiawit sa Panginoon


I.
Purihin, Puirihin ang kanyang pangalan
Ipahayag, Ipahayag ang dulot Nyang kaligtasan ( Koro)


II.
Dakila ang poon dapat na purihin
Siyang nagbigay, ng langit sa ating lahat
(Koro)


KYRIE:  Panginoon Maawa ka
https://youtu.be/w0_lXMS4ePE

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka


THE GLORIA: Papuri Sa Diyos

https://youtu.be/-pgcI3P-qzs

Chorus: (First time: Choir, then All repeat)
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos!
Papuri sa Diyos sa kaitaasan!

At sa lupa'y kapayapaan (x2)
Sa mga taong kinalulugdan Niya
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin 
Pinasasalamatan Ka namin
Dahil sa dakila Mong angking kapurihan
Panginoong Diyos, Hari ng langit
Diyos Amang makapangyarihan sa lahat
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak
Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos
Anak ng Ama (All: Chorus)

(Soloist)
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka, maawa Ka sa amin, 
(Choir) 
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Tanggapin Mo ang aming kahilingan (x2)
Ikaw na naluklok sa kanan ng Ama
Maawa Ka, Maawa Ka sa amin (Interlude)(All: Chorus)

Sapagkat Ikaw lamang ang Banal at ang Kataastaasan
Ikaw lamang, O Hesukristo, ang Panginoon
Kasama ng Espiritu Santo
Sa kadakilaan
Ng Diyos Ama, Amen! (x2)
(All: Chorus)

GOSPEL ACCLAMATION: ALELUYA,WIKAIN MO

Aleluya,  Aleluya
Wikain Mo
Poon nakikinig ako
Sa Iyong mga Salita
Aleluya,  Alelu-Aleluya
(Repeat)

OFFERTORY:  Unang Alay
https://youtu.be/N6MfsqNtPOU

Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa ‘yo.
Verse 1
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay mo.
At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay-lakas.

Verse 2
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko’ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa’yo.

Verse 3
Ang bayang inibig mo ngayo’y umaawit
sa ‘yo ay sumasamba’t
Nananalig umaasang diringgin ang bawat
Dalangin sa alay na ito’y nakalakip

(final)
Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa ‘yo.

Holy holy: Santo Santo (Hontiveros)

Santo, Santo, Santo!
Panginoong Diyos na makapangyarihan
Napupuno ang langit at lupa ng kaluwalhatian Mo.

Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan!


Si Kristo ay gunitain (F. Ramirez)

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain
Bilang pagkai’t inumin
Pinagsasaluhan natin
Hanggang sa S’ya’y dumating
Hanggang sa S’ya’y dumating


Great Amen: Dakilang Amen (Francisco, S.J.)

Amen, amen, amen
Amen, aleluya
Purihin ang Diyos, purihin ang Diyos
Amen, aleluya
Amen, amen, amen
Amen, aleluya


Ama namin/Sapagkat (Hontiveros)

Ama namin sumasalangit Ka
Sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo kami
Ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami
Sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin
Sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama

Kordero Ng Diyos (Hontiveros)

Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka, maawa Ka sa amin

Kordero ng Diyos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa Ka, maawa Ka sa amin

Kordero ng D’yos
Na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan


Communion: Panalangin sa Pagiging Bukas Palad
Musika: Fr. Manoling V. Francisco, S.J. at Jandi Arboleda

Panginoon, turuan mo akong maging bukas-palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo
Na makibakang di inaalintana, mga hirap na dinaranas
Sa tuwina'y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawaan
At di naghihintay kundi ang aking mabatid na ang loob Mo'y siyang sinusundan
Panginoon, turuan mo akong maging bukas palad
Turuan mo akong maglingkod sa Iyo
At magbigay nang ayon sa nararapat
Na walang hinihintay mula sa Iyo

Recessional hymn: Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang

Chorus:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa
Tayong lahat ay tinpon ng diyos
Na kapiling nya

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod
Kay kanino man
Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan

Chorus:
Sabay sabay mag aawitan
Ang mga bansa
Tayo tinuring na panginoon
Bilang mga anak

Chorus (2x)