Search This Blog

Tuesday 22 November 2022

Hymns for Filipino Mass at St. Lawrence 26 November 2022

Entrance: Halina, Hesus 
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Gloria: (not sung)
Gospel Acclamation : Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory: Ang Tanging Alay
Santo Santo Santo (Francisco - Tinapay ng Buhay)
Si Kristo ay gunitain (F. Ramirez)
Dakilang Amen: (Tinapay ng Buhay)
Ama namin/Sapagkat (Tinapay ng Buhay)
Kordero Ng Diyos (Hontiveros)
Communion: Halina O Hesus
Recessional hymn:  Balang Araw

Entrance: Halina, Hesus (Key: C)
https://youtu.be/IRQO-mOc2j8


KORO:
 Halina, Hesus, halina
 Halina, Hesus, halina!
 
1. Sa simula isinaloob Mo,
 O D’yos, kaligtasan ng tao
 Sa takdang panahon ay tinawag Mo
 sang bayang lingkod sa Iyo. (KORO)

2. Gabay ng Iyong bayang hinirang
 Ang pag-asa sa Iyong Mesiya.
 “Emmanuel” ang pangalang binigay sa
 Kanya:
 “Nasa atin ang D’yos tuwina.” (KORO)
 
3. Isinilang S’ya ni Maria,
Birheng tangi, Hiyas ng Judea
At “Hesus” ang pangalang binigay sa
Kanya:
“Aming D’yos ay Tagapagadya.” (KORO)
 
4. Darating muli sa takdang araw,
Upang tanang tao’y tawagin
At sa puso Mo aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na di mamaliw. (KORO)
 

Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros) - (Key: Em)

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Gloria: (not sung)

Gospel Acclamation :  Aleluya (Nez, Marcelo)

Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya
Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya


Offertory: Ang Tanging Alay (Key of D)

1. Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus.
Ako'y inibig Mo, at inangking lubos.

KORO: 
Ang tanging alay ko sa 'Yo, aking Ama,
Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa.
Hindi makayanang makapagkaloob:
Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.
Ang aking dalangin, o Diyos ay tanggapin,
Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin.
Ito lamang, Ama, wala nang iba pa akong hinihiling.

2. 'Di ko akalain ako ay binigyang-pansin.
Ang taong tulad ko di dapat mahalin. (KORO)

3. Aking hinihintay ang iyong pagbabalik, Hesus.
Ang makapiling ka, kagalakang lubos. (KORO) 

Santo Santo Santo (Francisco - Tinapay ng Buhay)

Santo! Santo! Santo!
Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
Sa ngalang ng Panginoon

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Sa Krus Mo (Tinapay ng Buhay)

Sa krus Mo at pagkabuhay
Kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Poong Hesus naming mahal
Ngayon at magpakailanman

Dakilang Amen: (Tinapay ng Buhay)

Amen, amen, Amen!
Amen, amen, Amen!

Ama Namin /Sapagkat (tinapay ng buhay) 

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama

----------
Sapagkat sa 'Yo ang kaharian, kapangyarihan, at kapurihan
Ngayon at magpakailanman!
Ngayon at magpakailanman!


Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin! Kordero ng Diyos, maawa Ka. (2x)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan


Communion: Halina O Hesus
Naghihintay kami sa Iyong pagbalik.
Gabi at araw, kami'y nananabik.
Ginapi ng sala, ng dusa at sakit,
Hesus, hanggang kailan, kami magtitiis?

Koro:
Halina, O Hesus, na Mananakop,
Ang Iyong bayan, palayain Mong lubos.

Inaasam namin; ang Iyong pagdatal.
Ang paghahari Mo'y aming hinihintay;
Hesus, hangad nami'y liwanag Mong tunay
Na S'ya naming tanglaw sa landas ng buhay.


Recessional hymn: Balang Araw

Balang araw ang liwanag matatanaw ng bulag
Ang kagandahan ng umaga pagmamasdan sa tuwina

Balang araw mumutawi sa bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri awit ng luwalhati

KORO:
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos!

Balang araw tatakbo ang pilay at ang lumpo
Magsasayaw sa kagalakan
Iindak sa katuwaan (KORO)