Search This Blog

Friday 27 January 2023

Hymns for Filipino Mass 4th Sunday Ordinary Time (St. Lawrence Catholic Church)

Entrance:  Purihin ang Panginoon
Kyrie:     Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Gloria:    Papuri sa Diyos (Hontiveros)
Gospel Acclamation : Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory: Unang Alay
Santo Santo (Hontiveros)
Si Kristo ay gunitain (F. Ramirez)
Great Amen: Dakilang Amen
Ama namin/Sapagkat (Hontiveros)
Kordero Ng Diyos (Hontiveros)
Communion: Hesus na Aking Kapatid
Recessional hymn:  Mapapalad

Entrance:  Purihin ang Panginoon (F.Ramirez/Francisco)

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Sa ating pagkabagabag,
Sa Diyos tayo'y tumawag.
Sa ating mga kaaway,
Tayo ay Kanyang iniligtas!

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Ang pasaning mabigat,
Sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan
Ng Diyos na Tagapagligtas!

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Kaya panginoo’y dinggin;
ang landas n’y’ay tahakin.
habambuhay ay purihin
kagandahang-loob n’ya sa atin.

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Kyrie:     Panginoon maawa ka (Hontiveros)

Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.

Kristo, maawa Ka. 
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.

Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.

Papuri Sa Diyos

KORO: 
Papuri sa D'yos! Papuri sa D'yos! Papuri sa D'yos sa kaitaasan!
1. At sa lupa'y kapayapaan, at sa lupa'y kapayapaan,
Sa mga taong kinalulugdan N'ya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin.
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin.
Pinasasalamatan Ka namin, dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

Panginoong D'yos, Hari ng langit, D'yos Amang makapangyarihan sa lahat,
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong D'yos, Kordero ng D'yos, Anak ng Ama. 
(KORO)
(Pasakalye)

2. (SOLO): 
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Maawa Ka, maawa Ka, sa a - - min.
(LAHAT):
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin Mo ang aming kahilingan. Tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka, maawa Ka sa amin.
(Pasakalye)
(KORO)

3. Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataas-taasan.
Ikaw lamang o Hesukristo ang Panginoon.
Kasama ng Espiritu Santo sa kal'walhatian,
Ng D'yos Ama, Amen, 
Ng D'yos Ama, Amen. 
(KORO)


Gospel Acclamation : Aleluya (Nez, Marcelo)

Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya
Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya

Offertory: Unang Alay

Refrain
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala mo
Tanda ng bawat pusong, ‘pagkat inibig mo,
Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa ‘yo.
Verse 1
Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
Pagkaing nagbibigay ng buhay mo.
At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay-lakas.

Verse 2
Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok,
Lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko’ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa’yo.

Verse 3
Ang bayang inibig mo ngayo’y umaawit
sa ‘yo ay sumasamba’t
Nananalig umaasang diringgin ang bawat
Dalangin sa alay na ito’y nakalakip

(final)
Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa ‘yo.

Santo Santo (Hontiveros)
Misa Antipona

Santo, Santo, Santo 
Panginoong Diyos na makapangyarihan.
Napupuno ang langit at lupa ng kal'walhatian Mo.
Osana sa kaitaasan.

Pinagpala ang naparirito 
sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan.

Si Kristo ay gunitain (F. Ramirez)
Misang Pilipino

Si Kristo ay gunitain
Sarili ay inihain,
Bilang pagkai't inumin, pinagsasaluhan natin,
Hanggang sa Siya'y dumating, hanggang sa Siya'y dumating.


Great Amen: Dakilang Amen

Amen, Amen, Amen!
Amen, Aleluya! 
Purihin ang D'yos, purihin ang D'yos.
Amen, Aleluya! 
Amen, Amen, Amen!
Amen, Aleluya


Ama namin/Sapagkat (Hontiveros)

Ama namin, sumasalangit Ka,
sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian Mo, sundin ang loob Mo,
Dito sa lupa para nang sa langit.

Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At h'wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.


Kordero Ng Diyos (Hontiveros)

Kordero ng Diyos, na nag-aalis 
Ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka, maawa Ka sa amin. (Ulitin)

Kordero ng Diyos, na nag-aalis 
Ng mga kasalanan ng sanlibutan,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

Communion: Hesus na Aking Kapatid

1. Hesus na aking kapatid sa lupa nami'y bumalik:
lyong mukha'y ibang-iba, hindi Kita nakikilala.

KORO: Tulutan Mo'ng aking rnata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, rnakikilala sa taong mapagkumbaba.

2. Hesus na aking kapatid, putikin man ang 'Yong sapin,
Punit-punit ang 'Yong damit, nawa Ika'y mapasaakin. (KORO)

3. Hesus na aking kapatid, sa bukid Ka nagtatanim,
O sa palengke rin naman, lkaw ay naghahanap-buhay. (KODA)

KODA: Tulutan Mo'ng aking mata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, makikilala, Ikaw, Poon, makikilala,
Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba.

Recessional hymn:  Mapapalad

1. Mapapalad kayong mahihirap, ang Kaharian ng D'yos sa inyo.
Mapapalad kayong nagugutom, sapagkat bubusugin kayo
Mapapalad kayong nahahapis sapagkat aaliwin kayo,

KORO: 
Mapapalad, Panginoon ang abang katulad Mo.
Mapapalad. Pangtnoon, ang abang katulad Mo.

2. Mapapalad kayong maawain, kaawaan kayo ng Diyos.
Mapapalad kayong tumalangis, sapagkat lillgaya kayo.
Mapapalad kayong inuusig, maghahari ang D'yos sa inyo. 
(KORO)