Search This Blog

Tuesday 21 November 2023

Mga Himno para sa Dakilang Kapistahan ng Pagkahari ng Panginoong Hesukristo sa Sanlibutan 25 Nov 2023 St. Lawrence Church Feltham

Entrance:  #115 Mapapalad
Kyrie:     #1 Panginoon, maawa ka (Hontiveros)
Gloria:    #4 Papuri sa Diyos (Hontiveros) - optional
Gospel Acclamation: #8 Aleluya (Francisco)
Offertory: Awit ng paghahangad
Sanctus:     #19 Santo (Tinapay ng Buhay)
Memorial acclamation: #21 SA KRUS MO AT PAGKABUHAY (Tinapay ng buhay)
Great Amen: #26 Amen (Tinapay ng Buhay)
Pater Noster: #35 Ama namin (Tinapay ng Buhay)
Agnus Dei: #43 Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Communion: Ang Panginoon ang aking Pastol
Recessional hymn: Recessional hymn: #123 O Bayan ng Diyos


Entrance:  #115 Mapapalad

1. Mapapalad kayong mahihirap, ang Kaharian ng D'yos sa inyo.
Mapapalad kayong nagugutom, sapagkat bubusugin kayo
Mapapalad kayong nahahapis sapagkat aaliwin kayo,

KORO: 
Mapapalad, Panginoon ang abang katulad Mo.
Mapapalad. Pangtnoon, ang abang katulad Mo.

2. Mapapalad kayong maawain, kaawaan kayo ng Diyos.
Mapapalad kayong tumalangis, sapagkat lillgaya kayo.
Mapapalad kayong inuusig, maghahari ang D'yos sa inyo. 
(KORO)

Kyrie:     #1 Panginoon, maawa ka (Hontiveros)

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Gloria:    #4 Papuri sa Diyos (Hontiveros)

KORO:
Papuri sa D'yos! Papuri sa D'yos!
Papuri sa D'yos sa kaitaasan!

1. At sa lupa'y kapayapaan, at sa
lupa'y kapayapaan,
Sa mga taong kinalulugdan N'ya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal
Ka namin.
Sinasamba Ka namin,
ipinagbubunyi Ka namin.
Pinasasalamatan Ka namin, dahil
sa dakila Mong angking
kapurihan.
Panginoong D'yos, Hari ng langit,
D'yos Amang makapangyarihan
sa lahat,
Panginoong Hesukristo, Bugtong
na Anak,
Panginoong D'yos, Kordero ng
D'yos, Anak ng Ama.
(KORO)
(Pasakalye)

2. (SOLO):
Ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Maawa Ka, maawa Ka, sa a - -
min.
(LAHAT):
Ikaw na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin Mo ang aming
kahilingan. Tanggapin Mo ang
aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng
Ama, maawa Ka, maawa Ka sa
amin.
(Pasakalye)
(KORO)

3. Sapagkat Ikaw lamang ang
banal at ang kataas-taasan.
Ikaw lamang o Hesukristo ang
Panginoon.
Kasama ng Espiritu Santo sa
kal'walhatian,
Ng D'yos Ama, Amen,
Ng D'yos Ama, Amen.
(KORO)

Gospel Acclamation: # 8 Aleluya 

Alelu, alelu, aleluya!
Alelu, alelu, aleluya!
Purihin ang Diyos! Aleluya! (Ulitin)

Offertory: Awit Ng Paghahangad 

O Diyos Ikaw ang laging hanap,
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

Gunita ko'y Ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak.

Aking kaluluwa'y kumakapit sa ‘Yo,
Kaligtasa'y t'yak kong hawak Mo ako.
Magdiriwang…


Sanctus:     #19 Santo (Tinapay ng Buhay)

Santo! Santo! Santo! Panginoong
Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng
kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa
kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa
kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!


Memorial acclamation: #21 Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay ng buhay)

Sa krus Mo at pagkabuhay, 
kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, 
iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, 
ngayon at magpakailanman!

Great Amen: #26 Amen (Tinapay ng Buhay)

Amen! Amen! Amen!
Amen! Amen! Amen!

Pater Noster: #36 Ama namin/#37 Sapagkat  (Tinapay ng Buhay)

Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
-------------
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.

Agnus Dei: #43 Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)

Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)

Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.

Communion: #59 Ang Panginoon ang aking Pastol

KORO: 
Ang Panginoon ang aking Pastol,
Pinagiginhawa akong lubos.

1. Handog N'yang himlaya'y sariwang pastulan,
Ang pahingahan ko'y payapang batisan.
Hatid sa kalul'wa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay. 
(KORO)

2. Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala akong sindak, Siya'y kasama ko.
Ang hawak N'yang tungkod ang siyang gabay ko,
Tangan N'yang pamalo, sigla't tanggulan ko. 
(KORO)

Recessional hymn: #123 O Bayan ng Diyos

1. O, Bayan ng D'yos, itaas ang kamay at magdiwang. (at magdiwang!)
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan, purihin ang D'yos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal, inaaruga na't kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay saya! (kay lalim, kay saya!)

2. O, Bayan ng D'yos, itaas ang kamay at magsayaw. (at magsayaw!)
Liwanag ng D'yos nagpawi ng kadiliman, pangungulila't lungkot!
H'wag nang mag-alala, puso nating aba, nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla! (kay lalim, kay sigla!)

3. Kung sarili N'yang Anak pinagkaisa N'ya
Sa sisinghap-singhap na bayan nating makasarili, makasala - nan.
H'wag nang mag-alinlangan pang tayo'y Kanyang sasamahan.
Kailan ma'y 'di tayo iiwan. Kailan ma'y 'di tayo iiwan.

4. O, Bayan ng D'yos, itaas ang kamay at magdiwang. (at magdiwang!)
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan, purihin ang D'yos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal, inaaruga na't kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay saya! (kay lalim, kay saya!)

5. O, Bayan ng D'yos, itaas ang kamay at magsayaw. (at magsayaw!)
Liwanag ng D'yos nagpawi ng kadiliman, pangungulila't lungkot!
H'wag nang mag-alala, puso nating aba, nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla!
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla! Kay lalim, kay sigla!