Search This Blog

Thursday 25 January 2024

Mga Himno para sa Misang Tagalog, Ika-4 na Linggo ng Karaniwang Panahon (Taon B) -- St. Lawrence Catholic Church 3 PM 27 Jan 2024

Entrance: #159 Purihin ang Panginoon
Kyrie:     #1 Panginoon, maawa ka (Hontiveros)
Gloria:    #4 Papuri sa Diyos (Hontiveros) 
Gospel Acclamation : #9 Aleluya wikain mo
Offertory: #147 Panalangin sa Pagiging Bukas-palad
Sanctus:   #19 Santo (Tinapay ng Buhay)
Memorial acclamation: #21 Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay ng buhay)
Great Amen: #26 Amen (Tinapay ng Buhay)
Pater Noster: #35 Ama namin (Tinapay ng Buhay)
Agnus Dei: #43 Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Communion: #62 Awit ng Paghahangad
Recessional hymn: #149 Pananagutan



Entrance: #159 Purihin ang Panginoon (F.Ramirez/Francisco)

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Sa ating pagkabagabag,
Sa Diyos tayo'y tumawag.
Sa ating mga kaaway,
Tayo ay Kanyang iniligtas!

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Ang pasaning mabigat,
Sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan
Ng Diyos na Tagapagligtas!

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.

Kaya panginoo’y dinggin;
ang landas n’y’ay tahakin.
habambuhay ay purihin
kagandahang-loob n’ya sa atin.

KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.


Kyrie:     Panginoon maawa ka (Hontiveros)

Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.

Kristo, maawa Ka. 
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.

Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.


 #4 Papuri sa Diyos (Hontiveros)

KORO: 
Papuri sa D'yos! Papuri sa D'yos! Papuri sa D'yos sa kaitaasan!
1. At sa lupa'y kapayapaan, at sa lupa'y kapayapaan,
Sa mga taong kinalulugdan N'ya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin.
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin.
Pinasasalamatan Ka namin, dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

Panginoong D'yos, Hari ng langit, D'yos Amang makapangyarihan sa lahat,
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong D'yos, Kordero ng D'yos, Anak ng Ama. 
(KORO)
(Pasakalye)

2. (SOLO): 
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Maawa Ka, maawa Ka, sa a - - min.
(LAHAT):
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin Mo ang aming kahilingan. Tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa Ka, maawa Ka sa amin.
(Pasakalye)
(KORO)

3. Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataas-taasan.
Ikaw lamang o Hesukristo ang Panginoon.
Kasama ng Espiritu Santo sa kal'walhatian,
Ng D'yos Ama, Amen, 
Ng D'yos Ama, Amen. 
(KORO)


Gospel Acclamation : #9 Aleluya Wikain mo

Aleluya, Aleluya!
Wikain Mo, Poon, nakikinig ako
sa Iyong mga Salita.
Aleluya, Alelu, Aleluya!

Offertory: #147 Panalangin sa Pagiging Bukas-palad

Panginoon, turuan Mo akong
maging bukas-palad,
Turuan Mo akong maglingkod sa
Iyo,
na magbigay ng ayon sa
nararapat,
Na walang hinihintay mula sa 'Yo,
Na makibakang 'di inaalintana,
mga hirap na dinaranas,
magsumikap na hindi
humahanap
Ng kapalit na kaginhawahan,
naghihintay kundi ang aking
mabatid
Na ang loob Mo'y s'yang
sinusundan,
Panginoon, turuan Mo akong
maging bukas-palad,
Turuan Mo akong maglingkod sa
Iyo,
na magbigay ng ayon sa
nararapat,
Na walang hinihintay mula sa 'Yo.


Sanctus:     #19 Santo (Tinapay ng Buhay)

Santo! Santo! Santo! Panginoong
Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng
kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa
kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa
kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!


Memorial acclamation: #21 Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay ng buhay)
https://youtu.be/pyw2UQ2J1uA

Sa krus Mo at pagkabuhay, 
kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, 
iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, 
ngayon at magpakailanman!


Great Amen: #26 Amen (Tinapay ng Buhay)

Amen! Amen! Amen!
Amen! Amen! Amen!

Pater Noster: #36 Ama namin/#37 Sapagkat  (Tinapay ng Buhay)

Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
-------------
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.

Agnus Dei: #43 Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)

Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)

Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.


Communion: #62 Awit ng Paghahangad

O Diyos Ikaw ang laging hanap,
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

Gunita ko'y Ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak.

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo.
Kaligtasa'y t'yak kung hawak Mo ako.
Magdiriwang ang Hari, ang D'yos S'yang dahilan, 
ang sa Iyo ay nangako 
galak yaong makakamtan. (KORO, liban sa...) 

KODA: 
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak

Recessional hymn: #149 Pananagutan

Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang

Chorus:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa
Tayong lahat ay tinpon ng diyos
Na kapiling nya

Sa ating pag mamahalan at panglilingkod
Kay kanino man
Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan

Chorus:
Sabay sabay mag aawitan
Ang mga bansa
Tayo tinuring na panginoon
Bilang mga anak

Chorus (2x)