Entrance: #127 Pag-aalaala
Kyrie: #1 Panginoon Maawa Ka (Hontiveros)
Gloria: spoken
Gospel Acclamation: #12 Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory: #61 Ang Tanging Alay Ko
Sanctus: #19 Santo! Santo! Santo! (Tinapay Ng Buhay)
Memorial Acclamation: #21 Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
Pater Noster: #36 Ama Namin/#37 Sapagkat (Tinapay)
Agnus Dei: #43 Kordero Ng Diyos (Tinapay Ng Buhay)
Communion: #86 Hesus na Aking Kapatid
Recessional: #115 Mapapalad
Special hymn: San Lorenzo Ruiz
Entrance: #127 Pag-Aalalala (M. Francisco. SJ)
KORO:
Bayan, muling magtipon,
awitan ang Panginoon.
Sa piging sariwain pagliligtas N'ya
sa atin.
1. Bayan, ating alalahanin,
panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan N'ya'y ating
sambitin.
Paanong di tayo lingapin?
(KORO)
2. Bayan, walang sawang purihin
ang Poon nating mahabagin.
Bayan, isayaw ang damdamin,
kandili N'ya'y ating awitin.
(KORO)
KODA: Sa piging sariwain,
pagliligtas N'ya sa atin.
Kyrie: #1 Panginoon Maawa Ka (Hontiveros)
Gloria: spoken
Gospel Acclamation: #12 Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory: #61 Ang Tanging Alay Ko
1. Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus.
Ako'y inibig Mo, at inangking lubos.
KORO: Ang tanging alay ko sa 'Yo, aking Ama,
Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa.
Hindi makayanang makapagkaloob:
Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.
Ang aking dalangin, o Diyos, ay tanggapin,
Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin.
Ito lamang, Ama, wala nang iba pa aking hinihiling.
2. 'Di ko akalain na ako ay binigyang-pansin.
Ang taong tulad ko'y di dapat mahalin. (KORO)
3. Aking hinihintay ang 'Yong pagbabalik, Hesus.
Ang makapiling Mo'y kagalakang lubos. (KORO)
#19 Santo! Santo! Santo! Tinapay ng Buhay (vol. 1)
Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Memorial Acclamation: #21 Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
Sa krus Mo at pagkabuhay, kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman!
PATER NOSTER: #36 Ama Namin/#37 Sapagkat
Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahin - tulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.
Agnus Dei: #43 Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Communion: #86 Hesus na Aking Kapatid
1. Hesus na aking kapatid sa lupa nami'y bumalik:
lyong mukha'y ibang-iba, hindi Kita nakikilala.
KORO: Tulutan Mo'ng aking rnata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, rnakikilala sa taong mapagkumbaba.
2. Hesus na aking kapatid, putikin man ang 'Yong sapin,
Punit-punit ang 'Yong damit, nawa Ika'y mapasaakin. (KORO)
3. Hesus na aking kapatid, sa bukid Ka nagtatanim,
O sa palengke rin naman, lkaw ay naghahanap-buhay. (KODA)
KODA: Tulutan Mo'ng aking mata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, makikilala, Ikaw, Poon, makikilala,
Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba.
Recessional Hymn: #115 Mapapalad
1. Mapapalad kayong mahihirap, ang Kaharian ng D'yos sa inyo.
Mapapalad kayong nagugutom, sapagkat bubusugin kayo
Mapapalad kayong nahahapis sapagkat aaliwin kayo,
KORO:
Mapapalad, Panginoon ang abang katulad Mo.
Mapapalad. Pangtnoon, ang abang katulad Mo.
2. Mapapalad kayong maawain, kaawaan kayo ng Diyos.
Mapapalad kayong tumalangis, sapagkat lillgaya kayo.
Mapapalad kayong inuusig, maghahari ang D'yos sa inyo.
(KORO)
San Lorenzo Ruiz
KORO:
Sa 'yo, San Lorenzo Ruiz
Ang bayan ay umaawit
Ng 'sang magandang papuri
Na abot sa langit
Kami ay iyong turuan
Ang buhay ay ilaan
Sa lubos at ganap na pagtataya
Sa Diyos at Inang Bayan
Yamang kami sa 'yo'y di maiba
Kalahi nami't kabalat;
Iisang bansa ating pinagmulan
Perlas ng Silangan
Tulungan mo't akayin mo’t
Kami sa tunay na kabanalan
(KORO)
Sa 'yo bayani kawal ni Hesus
Atas niya'y natupad
Sana kami laging maging tapat
Huwag nang masindak
Sa anumang karahasan
Ang kamatayan man ay maharap
(KORO)