Search This Blog

Wednesday, 23 April 2025

Mga Himno para sa Ika-2 Linggo ng Pasko ng Muling Pagkabuhay – Abril 26, 2025 (Divine Mercy Sunday) St. Lawrence Filipino community

Entrance: #109 Magsiawit sa Panginoon
Kyrie: Panginoon Maawa ka  (Hontiveros)
Gloria: Luwalhati sa Diyos (Sengson) 
Gospel Acclamation: Alelu, alelu aleluya 
Offertory: Unang Alay
Sanctus: Santo (Tinapay ng Buhay) 
Mem.l Acc.: Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay) 
Great Amen: Amen (Tinapay ng Buhay) 
Pater Noster: Ama namin (Tinapay ng Buhay) 
Agnus Dei: Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay) 
Communion: Anima Christi
Recessional: #107 Magpasalamat kayo sa Panginoon


Entrance:  #109 Magsiawit Sa Panginoon
https://youtu.be/z1x9IUMV0d8
KORO: 
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon!
1. Purihin, purihin ang Kanyang pangalan.
Ipahayag, ipahayag 
ang dulot N'yang kaligtasan. (KORO)
2. Kayong mga angkan, maghandog sa Poon.
Luwalhati at papuri 
ialay sa Panginoon (KORO)

Kyrie:    #1 Panginoon Maawa Ka (Hontiveros)
https://youtu.be/vC8RKTkbO_E

Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.

Gloria:    Luwalhati sa Diyos (Sengson) 
https://www.youtube.com/watch?v=EIWHggRmsy0

Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan.
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil Sa dakila mong
kaluwalhatian
Panginoon naming Diyos, Hari ng langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos,
Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw lamang ang banal,
Panginoong Hesukristo,
Kasama ng Espiritu
Sa l’walhati ng Ama, Amen,
Amen,    Amen,    Amen!


Gospel Acclamation: #8 Alelu, Alelu Aleluya (Tinapay ng Buhay (vol. 2)

Alelu, alelu, aleluya!
Alelu, alelu, aleluya!
Purihin ang Diyos! AleIuya! (Ulitin)

Koro: 
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo.
Tanda ng bawat pusong, 'pagkat inibig Mo,
Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo.

1. Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
pagkaing nagbibigay ng buhay Mo.
At alak na nagmula 
sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay·lakas.
(KORO)

2. Lahat ng mga lungkot, ligaya't pagsubok,
lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko'ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa 'Yo.
(KORO)

3. Ang bayang inibig Mo, ngayo'y umaawit,
sa 'Yo ay sumasamba't nananalig,
Umaasang diringgin ang bawat dalanging
sa alay na ito'y nakalakip.
(KORO)

KODA:
Ngayo'y nananalig (umaasa),
dumudulog (sumasamba),
Umaawit (nagmamahal) sa 'Yo.

Sanctus: Santo! Santo! Santo!  Tinapay ng Buhay (vol. 1)
https://youtu.be/UmdOE-yEExc

Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!

Memorial Acclamation: #21 Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
https://youtu.be/pyw2UQ2J1uA

Sa krus Mo at pagkabuhay, 
kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, 
iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, 
ngayon at magpakailanman!

PATER NOSTER: #36 Ama Namin/#37 Sapagkat 
https://youtu.be/YC54J4gYNqY

Ama namin sumasalangit Ka, 
Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. 
Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon 
ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami 
sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin 
sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
----
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, 
Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, 
Ngayon at magpakailanman.

Agnus Dei: #43 Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
https://youtu.be/oa_zjE2o_Dw

Kordero ng D'yos na nag-aalis 
ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. 
(Ulitin)

Kordero ng D'yos na nag-aalis 
ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin
ang kapayapaan.

COMMUNION SONGS: Anima Christi
https://youtu.be/rHaOxx1warg

Soul of Christ, Sanctify me
Body of Christ save me
Water from the side of Christ
Wash me,
Passion of Christ
Give me strength

Chorus:
Hear me Jesus
Hide me in thy wounds
That I may never leave thy side
From all the evil that surrounds me
Defend me and when the call of death arrives
Bid me come to thee
That I may praise thee
With thy saints forever

Chorus:
Hear me Jesus
Hide me in thy wounds
That I may never leave thy side
From all the evil that surrounds me
Defend me and when the call of death arrives
Bid me come to thee
That I may praise thee
With thy saints forever

Recessional hymn: #107 Magpasalamat kayo sa Panginoon
https://youtu.be/S03VzHiBNJs

Magpasalamat kayo sa Panginoon
Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo
Siya’y gumawa ng buwan at mga bitwin
Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim

Koro:
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa

Magpasalamat kayo sa Panginoon
Dahil sa kagandahang loob niya’y magpakailanman
At pagpalain ng Diyos habang buhay
Na siyang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel

Koro:
O ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin

(Koda)
O magpasalamat                           (Magpasalamat kayo sa Panginoon)
sa kanyang mga biyaya at awa     (Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo)
O ating purihin                             (Siya’y gumawa ng buwan at mga bitwin)
ang Poon na mahabagin sa atin     (Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim)

O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa