Search This Blog

Thursday 20 June 2024

Mga Himno para sa Ika-12 Linggo sa Karaniwang Panahon – Hunyo 22, 2024 St. Lawrence Filipino Mass

Entrance:  #109 Magsiawit Sa Panginoon
Kyrie:    #1 Panginoon Maawa Ka (Hontiveros)
Gloria: #4 Papuri Sa Diyos (Hontiveros)
Gospel Acclamation: #9 Aleluya,Wikain Mo 
Offertory: #61 Ang Tanging Alay Ko
Sanctus: #19 Santo! Santo! Santo! (Tinapay Ng Buhay)
Memorial Acclamation: #21 Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
Pater Noster: #36 Ama Namin/#37 Sapagkat (Tinapay Ng Buhay/) 
Agnus Dei: #43 Kordero Ng Diyos (Tinapay Ng Buhay
Communion: 
Laudate #871 Lord, You Have Come To The Seashore
 #71 Kahanga-Hanga
Recessional Hymn:  #91 Humayo't Ihayag

Entrance:  #109 Magsiawit Sa Panginoon
https://youtu.be/z1x9IUMV0d8


KORO: Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon!
1. Purihin, purihin ang Kanyang pangalan.
Ipahayag, ipahayag ang dulol N'yang kaliglasan. (KORO)
2. Kayong mga angkan, maghandog sa Poon.
Luwalhati at papuri ialay (KORO)


Kyrie:    #1 Panginoon Maawa Ka (Hontiveros)
https://youtu.be/vC8RKTkbO_E


Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.


GLORIA: #4 PAPURI SA DIYOS (Hontiveros)
https://youtu.be/-pgcI3P-qzs

KORO:
Papuri sa D'yos! Papuri sa D'yos! 
Papuri sa D'yos sa kaitaasan!

1. At sa lupa'y kapayapaan, at sa lupa'y kapayapaan,
Sa mga taong kinalulugdan N'ya.
Pinupuri Ka namin, dinarangal Ka namin.
Sinasamba Ka namin, ipinagbubunyi Ka namin.
Pinasasalamatan Ka namin, 
dahil sa dakila Mong angking kapurihan.

Panginoong D'yos, Hari ng langit, 
D'yos Amang makapangyarihan sa lahat,
Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,
Panginoong D'yos, Kordero ng D'yos, Anak ng Ama.
(KORO)
(Pasakalye)

2. (SOLO):
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Maawa Ka, maawa Ka, sa amin.

(LAHAT):
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Tanggapin Mo ang aming kahilingan. 
Tanggapin Mo ang aming kahilingan.
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, 
maawa Ka, maawa Ka sa amin.
(Pasakalye)
(KORO)

3. Sapagkat Ikaw lamang ang banal at ang kataas-taasan.
Ikaw lamang o Hesukristo ang Panginoon.
Kasama ng Espiritu Santo sa kal'walhatian,
Ng D'yos Ama, Amen,
Ng D'yos Ama, Amen.
(KORO)


GOSPEL ACCLAMATION: #9 ALELUYA,WIKAIN MO 
https://youtu.be/Dwh-Jc0fD_M

Aleluya, Aleluya!
Wikain Mo, Poon, nakikinig ako 
sa Iyong mga Salita.
Aleluya, Alelu, Aleluya! (ulitin)

Offertory: #61 Ang Tanging Alay Ko
https://www.youtube.com/watch?v=whXVeMccTjM

1. Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus.
Ako'y inibig Mo, at inangking lubos.

KORO: Ang tanging alay ko sa 'Yo, aking Ama,
Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa.
Hindi makayanang makapagkaloob:
Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.
Ang aking dalangin, o Diyos, ay tanggapin,
Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin.
Ito lamang, Ama, wala nang iba pa aking hinihiling.

2. 'Di ko akalain na ako ay binigyang-pansin.
Ang taong tulad ko'y di dapat mahalin. (KORO)

3. Aking hinihintay ang 'Yong pagbabalik, Hesus.
Ang makapiling Mo'y kagalakang lubos. (KORO)


 #19 Santo! Santo! Santo!  Tinapay ng Buhay (vol. 1)
https://youtu.be/UmdOE-yEExc

Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!

Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!

Memorial Acclamation: #21 Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
https://youtu.be/pyw2UQ2J1uA

Sa krus Mo at pagkabuhay, kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman!

PATER NOSTER: #36 Ama Namin/#37 Sapagkat 
https://youtu.be/YC54J4gYNqY

Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahin - tulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.

Agnus Dei: #43 Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
https://youtu.be/oa_zjE2o_Dw

Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.


Communion


Lord, You have come to the seashore
Neither searching for the rich nor the wise
desiring only that I should follow.

Refrain:
O Lord, with Your eyes set upon me,
gently smiling, You have spoken my name;
All I longed for I have found by the water.
At your side, I will seek other shores.

Lord, see my goods, my possessions;
in my boat you find no power, no wealth
Will you accept then my nets and labour?
(Refrain)

Lord, take my hands and direct them
Help me spend myself in seeking the lost
returning love for the love you gave me.
(Refrain)

Lord, as I drift on the waters
be the resting place of my restful heart
my life's companion, my friend and refuge
(Refrain)



KORO:
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan,
O Panginoon, sa sangkalupaan;
Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan.

1. Pinagmamasdan ko ang langit 
na gawa ng 'Yong mga kamay.
Ang buwan at mga bituin na 
sa langit Iyong inilagay. (KORO)

2. O sino kaya siyang tao 
na Iyong pinagmamasdan?
Ginawa Mong anghel ang katulad, 
pinuno Mo ng karangalan. (KORO)

3. Malayo man ang tao sa lupa, 
sakupin man niya ang buwan.
Ikutin man ang kalangitan; 
ang D'yos rin ang dinadatnan. (KORO)


Recessional Hymn:  #91 Humayo't Ihayag
https://youtu.be/4J5H8QzxfG0

Humayo't ihayag, (Purihin Siva!)
at ating ibunyag (Awitan Siva!)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni
Hesus ang siyang sa mundo'y tumubos!

Langit at lupa, Siya'y papurihan!
Araw at tala, Siya'y parangalan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng
Diyos sa tanan! Aleluya!


(bridge)
At isigaw sa lahat, kalinga Niya'y
wagas.
Kayong dukha't salat:
pag-ibig Niya sa inyo ay tapat!

Halina't sumayaw, buong bayan!
Lukso sabay sigaw, sanlibutan!
Ang ngalan Niyang angkin, 'sing ningning ng bituin:
Liwanag ng Diyos, sumaatin

Langit at lupa, Siya'y papurihan!
Araw at tala, Siya'y parangalan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng
Diyos sa tanan! Sa tanan!

Ating 'pagdiwang pag-ibig ng
Diyos sa tanan! Aleluya! 
Aleluya! Aleluya!

No comments:

Post a Comment