HINDI KITA MALILIMUTAN
Batay sa Isaias 49: 15·16
O. Pagsanghan - Ateneo HS Class 1A '80 - M. Francisco, SJ
Soprano: https://youtu.be/c-a-72k3xkU
(Unison)
Hindi kita malilimutan, hindi kita
pababayaan.
Nakaukit magpakailanman sa
'King palad ang 'yong pangalan.
(enter Alto)
Malilimutan ba ng ina ang anak
na galing sa kanya?
Sanggol sa kanyang sinapupunan,
paano niya matatalikdan?
Ngunit kahit na malimutan ng ina
ang anak niyang tangan,
(SATB Harmonies)
Hindi kita malilimutan,
kailanma'y di pababayaan.
Hindi kita malilimutan
kailanma'y di pababayaan.
Sa 'yo Lamang
Puso ko’y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako’y iyo habang-buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luha’t karangalan
Kung ika’y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin
KORO:
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Tangan kong kalooban
Sa iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa ‘yo
KORO:
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa