Entrance: Purihin ang Panginoon
Gloria: Luwalhati sa Diyos (Sengson)
Gospel Acclamation: Aleluya, wikain mo
Offertory: Awit ng Paghahangad
Sanctus: Santo (Tinapay ng Buhay)
Memorial acclamation: Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay ng buhay)
Great Amen: Amen (Tinapay ng Buhay)
Pater Noster: Ama namin (Tinapay ng Buhay)
Agnus Dei: Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Communion: Ang Panginoon ang aking Pastol
Recessional hymn: O Bayan ng Diyos
Entrance: Purihin ang Panginoon
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Sa ating pagkabagabag,
Sa Diyos tayo'y tumawag.
Sa ating mga kaaway,
Tayo ay Kanyang iniligtas!
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Ang pasaning mabigat,
Sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan
Ng Diyos na Tagapagligtas!
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Kaya panginoo’y dinggin;
ang landas n’y’ay tahakin.
habambuhay ay purihin
kagandahang-loob n’ya sa atin.
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Gloria: Luwalhati sa Diyos (Sengson)
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan.
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil Sa dakila mong
kaluwalhatian
Panginoon naming Diyos, Hari ng langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos,
Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw lamang ang banal,
Panginoong Hesukristo,
Kasama ng Espiritu
Sa l’walhati ng Ama, Amen,
Amen, Amen, Amen!
Gospel Acclamation: Aleluya Wikain mo
https://www.youtube.com/watch?v=hEM4eKP4LpQAleluya, Aleluya!
Wikain Mo, Poon, nakikinig ako
sa Iyong mga Salita.
Aleluya, Alelu, Aleluya!
Offertory: Awit ng Paghahangad
O Diyos Ikaw ang laging hanap,
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad.
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga.
Ika'y pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang ‘Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.
Gunita ko'y Ikaw
Habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay.
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak.
Aking kaluluwa'y kumakapit sa ‘Yo,
Kaligtasa'y t'yak kong hawak Mo ako.
Magdiriwang ang Hari, ang D'yos S'yang dahilan,
ang sa Iyo ay nangako galak
yaong makakamtan.
Santo! Santo! Santo! Tinapay ng Buhay (vol. 1)
https://www.youtube.com/watch?v=23Fm5TV3VWISanto! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Memorial Acclamation: Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=zUN-aIli6zASa krus Mo at pagkabuhay, kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman!
Amen: Dakilang Amen
Amen, amen, amen!
Amen, amen, amen!
PATER NOSTER: Ama Namin/ Sapagkat (Tinapay ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=jNcbXv1O5V0Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahin - tulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
----------
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.
Agnus Dei: Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=49ZrUd-C1dsKordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Communion: #59 Ang Panginoon ang aking Pastol
KORO:
Ang Panginoon ang aking Pastol,
Pinagiginhawa akong lubos.
1. Handog N'yang himlaya'y sariwang pastulan,
Ang pahingahan ko'y payapang batisan.
Hatid sa kalul'wa ay kaginhawahan,
Sa tumpak na landas, Siya ang patnubay.
(KORO)
2. Madilim na lambak man ang tatahakin ko,
Wala akong sindak, Siya'y kasama ko.
Ang hawak N'yang tungkod ang siyang gabay ko,
Tangan N'yang pamalo, sigla't tanggulan ko.
(KORO)
Recessional hymn: O Bayan ng Diyos
https://www.youtube.com/watch?v=rYc-l78fr6Q
1. O, Bayan ng D'yos,
itaas ang kamay at magdiwang. (at magdiwang!)
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan,
purihin ang D'yos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal,
inaaruga na't kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay saya!
(kay lalim, kay saya!)
2. O, Bayan ng D'yos,
itaas ang kamay at magsayaw. (at
magsayaw!)
Liwanag ng D'yos
nagpawi ng kadiliman,
pangungulila't lungkot!
H'wag nang mag-alala,
puso nating aba,
nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla!
(kay lalim, kay sigla!)
3. Kung sarili N'yang Anak
pinagkaisa N'ya
Sa sisinghap-singhap na bayan
nating makasarili, makasalanan.
H'wag nang mag-alinlangan pang
tayo'y Kanyang sasamahan.
Kailan ma'y 'di tayo iiwan.
Kailan ma'y 'di tayo iiwan.
4. O, Bayan ng D'yos,
itaas ang kamay at magdiwang. (at magdiwang!)
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan,
purihin ang D'yos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal,
inaaruga na't kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay saya!
(kay lalim, kay saya!)
5. O, Bayan ng D'yos,
itaas ang kamay at magsayaw.
(at magsayaw!)
Liwanag ng D'yos nagpawi ng kadiliman,
pangungulila't lungkot!
H'wag nang mag-alala, puso nating aba,
nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla!
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla!
Kay lalim, kay sigla!