Search This Blog

Sunday, 8 November 2026

Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon (B) - ika-28 ng Nobyembre 2026 - St. Lawrence Feltham


Entrance: Halina, Hesus 
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Gloria: (not sung)
Gospel Acclamation : Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory: Ang Tanging Alay
Santo Santo Santo (Francisco - Tinapay ng Buhay)
Si Kristo ay gunitain (F. Ramirez)
Dakilang Amen: (Tinapay ng Buhay)
Ama namin/Sapagkat (Tinapay ng Buhay)
Kordero Ng Diyos (Hontiveros)
Communion: Halina O Hesus
Recessional hymn:  Balang Araw

Entrance: Halina, Hesus 

KORO:
 Halina, Hesus, halina
 Halina, Hesus, halina!
 
1. Sa simula isinaloob Mo,
 O D’yos, kaligtasan ng tao
 Sa takdang panahon ay tinawag Mo
 sang bayang lingkod sa Iyo. (KORO)

2. Gabay ng Iyong bayang hinirang
 Ang pag-asa sa Iyong Mesiya.
 “Emmanuel” ang pangalang binigay sa
 Kanya:
 “Nasa atin ang D’yos tuwina.” (KORO)
 
3. Isinilang S’ya ni Maria,
Birheng tangi, Hiyas ng Judea
At “Hesus” ang pangalang binigay sa
Kanya:
“Aming D’yos ay Tagapagadya.” (KORO)
 
4. Darating muli sa takdang araw,
Upang tanang tao’y tawagin
At sa puso Mo aming Ama’y bigkisin
Sa pag-ibig na di mamaliw. (KORO)
 

Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Gloria: (not sung)

Gospel Acclamation :  Aleluya (Nez, Marcelo)

Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya
Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya


Offertory: Ang Tanging Alay 

1. Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus.
Ako'y inibig Mo, at inangking lubos.

KORO: 
Ang tanging alay ko sa 'Yo, aking Ama,
Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa.
Hindi makayanang makapagkaloob:
Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.
Ang aking dalangin, o Diyos ay tanggapin,
Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin.
Ito lamang, Ama, wala nang iba pa akong hinihiling.

2. 'Di ko akalain ako ay binigyang-pansin.
Ang taong tulad ko di dapat mahalin. (KORO)

3. Aking hinihintay ang iyong pagbabalik, Hesus.
Ang makapiling ka, kagalakang lubos. (KORO) 

Santo Santo Santo (Francisco - Tinapay ng Buhay)
Santo! Santo! Santo!
Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
Sa ngalang ng Panginoon

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Sa Krus Mo (Tinapay ng Buhay)

Sa krus Mo at pagkabuhay
Kami'y natubos Mong tunay
Poong Hesus naming mahal
Iligtas Mo kaming tanan
Poong Hesus naming mahal
Ngayon at magpakailanman

Dakilang Amen: (Tinapay ng Buhay)

Amen, amen, Amen!
Amen, amen, Amen!

Ama Namin /Sapagkat (tinapay ng buhay) 
https://www.youtube.com/watch?v=4LR3yOjZDEI

Ama namin, sumasalangit Ka, sambahin ang ngalan Mo
Mapasaamin ang kaharian Mo, sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw
At patawarin Mo kami sa aming mga sala
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin
At huwag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama

----------
Sapagkat sa 'Yo ang kaharian, kapangyarihan, at kapurihan
Ngayon at magpakailanman!
Ngayon at magpakailanman!


Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Maawa Ka sa amin! Kordero ng Diyos, maawa Ka. (2x)

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan


Communion: Balang Araw

Balang araw ang liwanag 
matatanaw ng bulag
Ang kagandahan ng umaga 
pagmamasdan sa tuwina 

KORO:
Aleluya, aleluya
Narito na'ng Manunubos
Luwalhatiin ang Diyos!

Balang araw mumutawi 
sa bibig ng mga pipi
Pasasalamat at papuri awit ng luwalhati  (KORO)

Koda:
Balang araw tatakbo 
ang pilay at ang lumpo
Magsasayaw sa kagalakan
Iindak sa katuwaan (KORO)

KORO:
Aleluya,                           (Balang araw ang liwanag)
aleluya                             (matatanaw ng bulag)
Narito na'ng Manunubos  (Ang kagandahan ng umaga)  
Luwalhatiin ang Diyos!  (pagmamasdan sa tuwina)

Aleluya,                             (Balang araw mumutawi) 
aleluya                                (sa bibig ng mga pipi)         
Narito na'ng Manunubos  (Pasasalamat at papuri) 

Luwalhatiin! (Luwalhatiin!)
Luwalhatiin! (Luwalhatiin!)
Luwalhatiin ang Diyos!

Recessional hymn: Kampana ng Simbahan

Kampana ng simbahan ay nanggigising na
At waring nagsasabi na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon, tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin ang ating simbahan (koro)

KORO: Ang kampana'y tuluyang nanggigising
Upang tayong lahat ay manalangin
Ang bendisyon kapag nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa

Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
'Pagkat tayo'y may tungkulin sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat manalangin habang nagsisimba (koro)

Kinagisnang simbang gabi huwag nating limutin
'Pagkat tayo'y may tungkulin sa pananalangin
Ang kampana ng simbahan ay nanggigising na
Tayong lahat manalangin habang nagsisimba