Entrance: Pag-aalaala
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Gloria: Luwalhati sa Diyos (Sengson)
https://www.youtube.com/watch?v=EIWHggRmsy0
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan.
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil Sa dakila mong
kaluwalhatian
Panginoon naming Diyos, Hari ng langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos,
Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw lamang ang banal,
Panginoong Hesukristo,
Kasama ng Espiritu
Sa l’walhati ng Ama, Amen,
Amen, Amen, Amen!
Gospel Acclamation: Aleluya Wikain mo
https://www.youtube.com/watch?v=hEM4eKP4LpQ
Aleluya, Aleluya!
Wikain Mo, Poon, nakikinig ako
sa Iyong mga Salita.
Aleluya, Alelu, Aleluya!
Offertory: Ang Tanging Alay Ko
Santo! Santo! Santo! Tinapay ng Buhay (vol. 1)
https://www.youtube.com/watch?v=23Fm5TV3VWI
Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Memorial Acclamation: Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=zUN-aIli6zA
Sa krus Mo at pagkabuhay, kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman!
Amen: Dakilang Amen
https://www.youtube.com/watch?v=V7WZncqhImg
Amen, amen, amen!
Amen, amen, amen!
PATER NOSTER: Ama Namin/ Sapagkat (Tinapay ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=jNcbXv1O5V0
Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahin - tulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
----------
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.
Agnus Dei: Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=49ZrUd-C1ds
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Communion: Sa ‘Yo Lamang
Puso ko’y binihag mo
Sa tamis ng pagsuyo
Tanggapin yaring alay
Ako’y iyo habang-buhay
Aanhin pa ang kayamanan
Luha’t karangalan
Kung ika’y mapasa-akin
Lahat na nga ay kakamtin
KORO:
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
Tangan kong kalooban
Sa Iyo’y nilalaan
Dahil atas ng pagsuyo
Tumalima lamang sa ‘yo
KORO:
Sa ‘yo lamang ang puso ko
Sa ‘yo lamang ang buhay ko
Kalinisan, pagdaralita
Pagtalima, aking sumpa
RECESSIONAL: Magpasalamat kayo sa Panginoon
https://youtu.be/S03VzHiBNJs Magpasalamat kayo sa Panginoon Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo Siya’y gumawa ng buwan at mga bitwin Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim Koro: O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa Magpasalamat kayo sa Panginoon Dahil sa kagandahang loob niya’y magpakailanman At pagpalain ng Diyos habang buhay Na siyang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel Koro: O ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin (Koda) O magpasalamat (Magpasalamat kayo sa Panginoon) sa kanyang mga biyaya at awa (Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo) O ating purihin (Siya’y gumawa ng buwan at mga bitwin) ang Poon na mahabagin sa atin (Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim) O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa
No comments:
Post a Comment