Entrance : Magsiawit sa Panginoon
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Gloria: Luwalhati sa Diyos (Sengson)
Gospel Acclamation : Aleluya, wikain mo
Offertory: Unang Alay
Sanctus: Santo (Tinapay ng Buhay)
Mem.l Acc.: Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay)
Great Amen: Amen (Tinapay ng Buhay)
Pater Noster: Ama namin (Tinapay ng Buhay)
Agnus Dei: Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Communion:
Kahanga-hanga
Recessional hymn: Magpasalamat Kayo sa Panginoon
--------------
Entrance : Magsiawit sa Panginoon
KORO:
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon!
1. Purihin, purihin ang Kanyang pangalan.
Ipahayag, ipahayag
ang dulot N'yang kaligtasan. (KORO)
2. Kayong mga angkan, maghandog sa Poon.
Luwalhati at papuri
ialay sa Panginoon (KORO)
Kyrie: #1 Panginoon Maawa Ka (Hontiveros)
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Gloria: Luwalhati sa Diyos (Sengson)
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan.
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil Sa dakila mong
kaluwalhatian.
Panginoon naming Diyos, Hari ng langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos,
Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan.
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw lamang ang banal,
Panginoong Hesukristo,
Kasama ng Espiritu
Sa l’walhati ng Ama, Amen,
Amen, Amen, Amen!
Gospel Acclamation : Aleluya, Wikain Mo
Aleluya, Aleluya!
Wikain Mo, Poon, nakikinig ako
sa Iyong mga Salita.
Aleluya, Alelu, Aleluya!
Offertory: Unang Alay
Koro:
Kunin at tanggapin ang alay na ito.
Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo.
Tanda ng bawat pusong, 'pagkat inibig Mo,
Ngayo'y nananalig, nagmamahal sa 'Yo.
1. Tinapay na nagmula sa butil ng trigo,
pagkaing nagbibigay ng buhay Mo.
At alak na nagmula
sa isang tangkay ng ubas.
Inuming nagbibigay·lakas.
(KORO)
2. Lahat ng mga lungkot, ligaya't pagsubok,
lahat ng lakas at kahinaan ko.
Inaalay ko'ng lahat buong pagkatao.
Ito ay isusunod sa 'Yo.
(KORO)
3. Ang bayang inibig Mo, ngayo'y umaawit,
sa 'Yo ay sumasamba't nananalig,
Umaasang diringgin ang bawat dalanging
sa alay na ito'y nakalakip.
(KORO)
KODA:
Ngayo'y nananalig (umaasa),
dumudulog (sumasamba),
Umaawit (nagmamahal) sa 'Yo.
Sanctus: Santo! Santo! Santo! Tinapay ng Buhay (vol. 1)
Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Memorial Acclamation: Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
Sa krus Mo at pagkabuhay, kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman!
Great Amen: Amen (Tinapay ng Buhay)
PATER NOSTER: Ama Namin/ Sapagkat
Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahin - tulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.
Agnus Dei: #43 Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Communion:
Kahanga-hanga
KORO:
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan,
O Panginoon, sa sangkalupaan;
Ipinagbunyi Mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan.
1. Pinagmamasdan ko ang langit
na gawa ng 'Yong mga kamay.
Ang buwan at mga bituin na
sa langit Iyong inilagay. (KORO)
2. O sino kaya siyang tao
na Iyong pinagmamasdan?
Ginawa Mong anghel ang katulad,
pinuno Mo ng karangalan. (KORO)
3. Malayo man ang tao sa lupa,
sakupin man niya ang buwan.
Ikutin man ang kalangitan;
ang D'yos rin ang dinadatnan. (KORO)
Recessional hymn: Magpasalamat Kayo sa Panginoon
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo
Siya’y gumawa ng buwan at mga bitwin
Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim
Koro:
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa
Magpasalamat kayo sa Panginoon
Dahil sa kagandahang loob niya’y magpakailanman
At pagpalain ng Diyos habang buhay
Na siyang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel
Koro:
O ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin
Koda:
O magpasalamat (Magpasalamat kayo sa Panginoon)
sa kanyang mga biyaya at awa (Na Syang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo)
O ating purihin (Siya’y gumawa ng buwan at mga bitwin)
ang Poon na mahabagin sa atin (Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim)
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa
No comments:
Post a Comment