ENTRANCE: Buksan ang Aming Puso
KYRIE: Panginoon Maawa ka
GOSPEL ACC: Wika Mo'y aming diringgin
OFFERTORY: Ang Tanging Alay Ko
SANCTUS: Santo santo (Hontiveros)
MEMORIAL ACCLAMATION: Si Kristo'y Namatay (Hontiveros)
PATER NOSTER: Ama Namin (Bukas Palad)
AGNUS DEI: Kordero ng Diyos (Misang Antipona)
COMMUNION: Be still, for the presence of the Lord
RECESSIONAL: Pananagutan
ENTRANCE: Buksan ang Aming Puso
1. Buksan ang aming puso, turuan Mong mag-alab;
Sa bawat pagkukuro, lahat ay makayakap.
2. Buksan ang aming isip, sikatan ng liwanag;
Nang kusang matangkilik. tungkuling mabanaag.
3. Buksan ang aming palad, sarili'y maialay;
Tulungan Mong ihanap, kami ng bagong malay.
KYRIE: Panginoon Maawa ka
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
GOSPEL ACC: Wika Mo'y aming diringgin
Wika Mo'y aming diringgin.
Wika Mo'y aming susundin.
Wika Mo'y aming tutupdin.
OFFERTORY: Ang Tanging Alay Ko
1. Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus.
Ako'y inibig Mo, at inangking lubos.
KORO: Ang tanging alay ko sa 'Yo, aking Ama,
Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa.
Hindi makayanang makapagkaloob:
Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.
Ang aking dalangin, o Diyos, ay tanggapin,
Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin.
Ito lamang, Ama, wala nang iba pa aking hinihiling.
2. 'Di ko akalain na ako ay binigyang-pansin.
Ang taong tulad ko'y di dapat mahalin. (KORO)
3. Aking hinihintay ang 'Yong pagbabalik, Hesus.
Ang makapiling Mo'y kagalakang lubos. (KORO)
SANCTUS: Santo santo (Hontiveros)
Santo, Santo, Santo
Panginoong Diyos na makapangyarihan.
Napupuno ang langit at lupa ng kal'walhatian Mo.
Osana sa kaitaasan.
Pinagpala ang naparirito
sa ngalan ng Panginoon.
Osana sa kaitaasan.
MEMORIAL ACCLAMATION: Si Kristo'y Namatay (Hontiveros)
Si Kristo'y namatay,
si Kristo'y nabuhay,
si Kristo'y babalik sa wakas ng panahon.
PATER NOSTER: Ama Namin (Bukas Palad)
Ama namin, sumasalangit Ka,
sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian Mo, sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo kami ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala.
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin.
At h'wag Mo kaming ipahintulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
AGNUS DEI: Kordero ng Diyos (Misang Antipona)
Kordero ng Diyos, na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng sanlibutan,
Maawa Ka, maawa Ka sa amin. (Ulitin)
Kordero ng Diyos, na nag-aalis
Ng mga kasalanan ng sanlibutan,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan
COMMUNION: Be still, for the presence of the Lord
Be still, for the presence of the Lord
The Holy One is here
Come bow before Him now
With reverence and fear
In Him no sin is found
We stand on holy ground
Be still, for the presence of the Lord
The Holy One is here
Be still, for the glory of the Lord
Is shining all around
He burns with holy fire
With splendour He is crowned
How awesome is the sight
Our radiant King of Light
Be still for the glory of the Lord
Is shining all around
Be still, for the power of the Lord
Is moving in this place
He comes to cleanse and heal
To minister His grace
No work too hard for Him
In faith receive from Him
Be still, for the power of the Lord
Is moving in this place
RECESSIONAL: Pananagutan
Walang sinuman ang nabubuhay
para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay
para sa sarili lamang
KORO:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isa't isa
Tayong lahat ay tinipon ng Diyos
Na kapiling nya
Sa ating pagmamahalan at paglilingkod
Sa kanino man
Tayo ay magdadala ng balita ng kaligtasan
(Koro)
Sabay sabay ngang mag-aawitan
Ang mga bansa
Tayo’y tinuring ng Panginoon
Bilang mga anak
No comments:
Post a Comment