Search This Blog

Friday, 12 June 2026

Mga Himno para sa Ika-13 na Linggo sa Karaniwang Panahon • Taon A • 2:30 PM 27 Hunyo 2026 St. Lawrence Filipino Mass

Entrance Hymn:         Pag-aalaala
Kyrue Eleison:           Panginoon Maawa ka (Misang Antipona)
Gloria:                         Luwalhati sa Diyos (Sengson) 
Gospel Acclamation:  Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory:                   Panalangin sa pagiging bukas-palad
Sanctus:                     Santo (Tinapay ng Buhay)
Memorial acclamation: Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay ng buhay)
Great Amen:               Amen (Tinapay ng Buhay)
Pater Noster:              Ama namin (Tinapay ng Buhay)
Agnus Dei:                 Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Communion:              Hesus na aking Kapatid
Recessional hymn:     Diyos ay Pag-ibig

Entrance Hymn:         Pag-aalaala

KORO:
Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Bayan ating alalahanin
Panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin
Paanong di tayo lingapin (KORO)

Bayan, walang sawang purihin
Ang Poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili Niya'y ating awitin (KORO)

Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin

Kyrie Eleison:           Panginoon Maawa ka (Misang Antipona)

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Kristo maawa ka
Kristo maawa ka
Kristo, Kristo maawa ka

Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka
Panginoon maawa ka

Gloria:                         Luwalhati sa Diyos (Sengson) 

Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan.
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil Sa dakila mong
kaluwalhatian

Panginoon naming Diyos, Hari ng langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos,
Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan

Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw lamang ang banal,
Panginoong Hesukristo,
Kasama ng Espiritu
Sa l’walhati ng Ama, Amen,
Amen,    Amen,    Amen!

Gospel Acclamation:  Aleluya (Nez, Marcelo)

Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya
Aleluya, aleluya, aleluya, aleluya

Offertory:                   Panalangin sa pagiging bukas-palad

Panginoon, turuan Mo akong
maging bukas-palad,
Turuan Mo akong maglingkod sa
Iyo,
na magbigay ng ayon sa
nararapat,
Na walang hinihintay mula sa 'Yo,

Na makibakang 'di inaalintana,
mga hirap na dinaranas,
magsumikap na hindi
humahanap
Ng kapalit na kaginhawahan,
naghihintay kundi ang aking
mabatid
Na ang loob Mo'y s'yang
sinusundan,

Panginoon, turuan Mo akong
maging bukas-palad,
Turuan Mo akong maglingkod sa
Iyo,
na magbigay ng ayon sa
nararapat,
Na walang hinihintay mula sa 'Yo.

Santo! Santo! Santo!  Tinapay ng Buhay (vol. 1)

Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!

Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!

Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!

Memorial Acclamation: Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)

Sa krus Mo at pagkabuhay, kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman!

Amen: Dakilang Amen

Amen, amen, amen!
Amen, amen, amen!

PATER NOSTER: Ama Namin/ Sapagkat (Tinapay ng Buhay)

Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahin - tulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
----------

Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.


Agnus Dei: Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)

Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.


Communion:              Hesus na aking Kapatid

1. Hesus na aking kapatid sa lupa nami'y bumalik:
lyong mukha'y ibang-iba, hindi Kita nakikilala.

KORO: Tulutan Mo'ng aking rnata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, rnakikilala sa taong mapagkumbaba.

2. Hesus na aking kapatid, putikin man ang 'Yong sapin,
Punit-punit ang 'Yong damit, nawa Ika'y mapasaakin. (KORO)

3. Hesus na aking kapatid, sa bukid Ka nagtatanim,
O sa palengke rin naman, lkaw ay naghahanap-buhay. (KODA)

KODA: 
Tulutan Mo'ng aking mata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, makikilala, Ikaw, Poon, makikilala,
Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba.


Recessional hymn:     Diyos ay Pag-ibig

1. Pag-ibig ang sivang pumukaw
sa ating puso at kalul'wa.
At sivang nagdulot sa ating buhay
ng gintong aral at pag-asa.

2. Pag-ibig, ang sivang buklod natin, 
di mapapawi kailan pa man.
Sa puso't diwa, tavo'y isa lamang,
kahit na tayo'v magkahiwalay.

KORO: 
Pagkat ang D'yos nati'y D'yos ng pag-ibig,
Magmahalan tayo't magtulungan
at kung tayo'y bigo
Ay h'wag limutin 
na may Diyos tayong nagmamahal.

3. Sikapin sa ating pagsuyo, 
ating ikalat sa buong mundo:
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa 
bawat pusong uhaw sa pagsuvo.

WAKAS: Diyos ay pag-ibig, Diyos
ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig.

No comments:

Post a Comment