Entrance Hymn: Purihin ang Panginoon
Kyrue Eleison: Panginoon Maawa ka (Misang Antipona)
Gloria: Luwilhati sa Diyos (Sengson)
Gospel Acclamation: Aleluya (Nez, Marcelo)
Offertory: Tanging Yaman
Sanctus: Santo (Tinapay ng Buhay)
Memorial acclamation: Sa Krus mo at Pagkabuhay (Tinapay ng buhay)
Great Amen: Amen (Tinapay ng Buhay)
Pater Noster: Ama namin (Tinapay ng Buhay)
Agnus Dei: Kordero Ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
Communion: O Hesus Hilumin Mo
Recessional hymn: Pananagutan
Entrance: Purihin ang Panginoon
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Sa ating pagkabagabag,
Sa Diyos tayo'y tumawag.
Sa ating mga kaaway,
Tayo ay Kanyang iniligtas!
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Ang pasaning mabigat,
Sa ‘ting mga balikat.
Pinagaan ng lubusan
Ng Diyos na Tagapagligtas!
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Kaya panginoo’y dinggin;
ang landas n’y’ay tahakin.
habambuhay ay purihin
kagandahang-loob n’ya sa atin.
KORO:
Purihin ang Panginoon,
Umawit ng kagalakan,
At tugtugin ang gitara
At ang kaaya-ayang lira.
Hipan ninyo ang trumpeta.
Kyrie: Panginoon maawa ka (Hontiveros)
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, maawa Ka.
Kristo, Kristo, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Panginoon, maawa Ka. Panginoon, maawa Ka.
Gloria: Luwalhati sa Diyos (Sengson)
https://www.youtube.com/watch?v=EIWHggRmsy0
Luwalhati sa Diyos sa kaitaasan
Kaloob sa lupa ay kapayapaan.
Pinupuri ka’t ipinagdarangal
Sinasamba Ka dahil Sa dakila mong
kaluwalhatian
Panginoon naming Diyos, Hari ng langit
Amang makapangyarihan
Panginoong Hesukristo
Bugtong na Anak ng Diyos,
Kordero ng Ama
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan
ng sanlibutan
Tanggapin mo ang aming kahilingan
Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama,
Maawa Ka sa amin.
Ikaw lamang ang banal,
Panginoong Hesukristo,
Kasama ng Espiritu
Sa l’walhati ng Ama, Amen,
Amen, Amen, Amen!
Gospel Acclamation: Aleluya Wikain mo
https://www.youtube.com/watch?v=hEM4eKP4LpQ
Aleluya, Aleluya!
Wikain Mo, Poon, nakikinig ako
sa Iyong mga Salita.
Aleluya, Alelu, Aleluya!
Offertory: Tanging Yaman
https://www.youtube.com/watch?v=1qpCktU6rAg
KORO:
Ikaw ang aking tanging yaman,
Na di lubusang masumpungan.
Ang nilikha Mong kariktan,
sulyap ng 'Yong kagandahan.
1. Ika'y hanap sa t'wina,
nitong pusong Ikaw lamang
ang saya.
Sa ganda ng umaga,
nangungulila
sa 'Yo, Sinta. (KORO)
2. Ika'y hanap sa t'wina,
sa kapwa ko Kita laging
nadarama.
Sa Iyong mga likha,
hangad pa ring masdan
ang 'Yong mukha. (KORO)
Santo! Santo! Santo! Tinapay ng Buhay (vol. 1)
https://www.youtube.com/watch?v=23Fm5TV3VWI
Santo! Santo! Santo! Panginoong Diyos!
Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan Mo!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana! Osana sa kaitaasan!
Pinagpala ang naparirito
Sa ngalan ng Panginoon!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Osana! Osana!
Osana sa kaitaasan!
Memorial Acclamation: Sa Krus Mo At Pagkabuhay (Tinapay Ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=zUN-aIli6zA
Sa krus Mo at pagkabuhay, kami'y tinubos Mong tunay.
Poong Hesus naming mahal, iligtas Mo kaming tanan!
Poong Hesus naming mahal, ngayon at magpakailanman!
Amen: Dakilang Amen
https://www.youtube.com/watch?v=V7WZncqhImg
Amen, amen, amen!
Amen, amen, amen!
PATER NOSTER: Ama Namin/ Sapagkat (Tinapay ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=jNcbXv1O5V0
Ama namin sumasalangit Ka, Sambahin ang ngalan Mo.
Mapasaamin ang kaharian Mo. Sundin ang loob Mo
Dito sa lupa para nang sa langit.
Bigyan Mo po kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw,
At patawarin Mo kami sa aming mga sala,
Para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amino
At huwag Mo kaming ipahin - tulot sa tukso
At iadya Mo kami sa lahat ng masama.
----------
Sapagkat sa 'Yo ang Kaharian, Kapangyarihan, at Kapurihan,
Ngayon at magpakailanman, ngayon at magpakailanman.
Agnus Dei: Kordero ng Diyos (Tinapay ng Buhay)
https://www.youtube.com/watch?v=49ZrUd-C1ds
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
Maawa Ka sa amin;
Kordero ng D'yos, Maawa Ka. (Ulitin)
Kordero ng D'yos na nag-aalis ng mga kasalanan ng mundo,
lpagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan.
Communion: O Hesus Hilumin Mo
KORO:
O Hesus, hilumin Mo aking sugatang puso.
Nang aking mahango kapwa kong kasimbigo.
1. Hapis at pait, Iyong patamisin,
At hagkan ang sakit nang magningas ang rikit.
(KORO)
2. Aking sugatang diwa't katawan,
Ay gawing daan ng 'Yong kaligtasan.
(KORO)
RECESSIONAL: Pananagutan
https://www.youtube.com/watch?v=VPWWnW85To0
Walang sinuman ang nabubuhay, para sa sarili lamang
Walang sinuman and namamatay, para sa sarili lamang
Koro:
Tayong lahat ay may pananagutan sa isat isa
Tayong lahat ay tinpon ng diyos
Na kapiling nya
Sa ating pag mamahalan at panglilingkod
Kay kanino man
Tayo ay magdadala ng balita na kaligtasan
(Koro)
Sabay sabay mag aawitan
Ang mga bansa
Tayo tinuring na panginoon
Bilang mga anak
(Koro)
No comments:
Post a Comment